DSWD Sec. Bautista, Nag-abot ng tulong sa mga Pamilyang Apektado ng Typhoon Ulysses

Cauayan City, Isabela- Personal na binisita ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang ilang pamilya na labis na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Ulysses para ipaabot ang tulong sa mga ito partikular sa bayan ng Enrile, Cagayan.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay DSWD Regional Information Officer Brendan Tangan, umaabot sa 150 ang pamilyang inabutan ng tig- P3,000 sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICs).

Bukod dito, pinangunahan rin ng kalihim ang ginawang turn-over ceremony ng papaalis na Regional Director na si Fernando De Villa na maitatalaga sa Region 4A o MIMAROPA region habang ang pansamantalang papalit ang kasalukuyang Assistant Regional Director na si Lucia Alan.


Samantala, iginawad rin ni Bautista ang Level 3 accreditation sa Operational Standards for Centers and Institutions sa Cagayan Valley Regional Rehabilitation Center for the Youth at Level 2 naman sa Regional Haven for Women and Girls.

Umabot naman sa P450,000 ang kabuuang naipamahagi sa mga nasabing bilang ng pamilya naapektuhan ng kalamidad noong nakaraang taon.

Facebook Comments