DSWD Secretary Gatchalian, kinunsulta ang dating kalihim ng ahensya upang higit na mapaigting ang implementasyon ng 4Ps program

Photo Courtesy: Department of Social Welfare and Development

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kay dating DSWD at Department of Health (DOH) Secretary Esperanza Cabral, upang humingi ng mga payo para lalong mapagandanda ang pagpaturupad ng 4P’s program.

Ayon kay Secretary Gatchalian, kanyang kinonsulta ang dating DSWD Secretary Cabral hinggil sa mga akmang hakbangin na maaring ipatupad upang higit na mapaghusay ang pagpapatupad ng 4Ps program ng ahensya.

Paliwanag ng kalihim binigyan siya ng mga konteksto ni Cabral hinggil sa mas ikahuhusay ng implementasyon ng programa.


Matatandaan na sa panahon ni Cabral ay nabuo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at sa ilalim ng Arroyo administration.

Facebook Comments