Friday, November 27, 2026

Pagpapalakas ng turismo, isinusulong ni PBBM para makalikha ng mas maraming trabaho

COURTESY: Palawan Provincial Tourism Office

Pinalalakas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang turismo sa bansa upang makapagbigay ng mas maraming trabaho at kabuhayan sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga hakbang ang pag-update sa National Accommodation Standards. Layunin nitong mapabuti ang serbisyo ng mga hotel at iba pang matutuluyan para sa mga turista.

Inilunsad din ng Department of Tourism (DOT) ang kampanyang Discover More to Love upang hikayatin ang mga Pilipino na mamasyal sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa buong taon.

Kasama rin dito ang Filipinization Labelling Program.

Hinihikayat nito ang mga hotel at iba pang matutuluyan na itampok ang kulturang Pilipino sa kanilang mga serbisyo.

Facebook Comments