DSWD Secretary Tulfo, iginiit na hindi gumagamit ang ahensya ng NGO upang makapamahagi ng relief goods

Iginiit ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na hindi sila gumagamit ng non government organizations (NGO) sa pamamhagi ng kanilang food at relief packs.

Umugong ang alegasyon matapos namataan ang logo ng DSWD sa mga litrato ng Angat Buhay NGO sa kanilang relief operations sa mga naapektuhan ng baha sa Banaue Ifugao.

Sa pamamagitan ng social media ay nilinaw ni Tulfo na direktang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units (LGU) at hindi namamahagi ng relief packs sa pamamagitan ng NGO.


Mababatid na inakusahan ng mga netizens ng credit grabbing ang Angat Buhay matapos mapansin ang mga litrato ng kanilang relief operations na may logo ng DSWD ang mga relief packs nito.

Ngunit sa pag-iimbestiga ni Tulfo ay napag-alaman na pinagsama ng LGU ang donasyon ng NGO at ng DSWD sa iisang warehouse at saka ito kinuhanan ng litrato.

Ang Angat Buhay NGO o mas kilala sa Angat Pilipinas Inc. ay inilunsad ni dating Vice President Leni Robredo ngayong buwan.

Facebook Comments