Halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng pagbaha sa Ifugao, pumalo na sa halos 15 milyong piso ayon sa DA

40

Pumalo na sa 14.6 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ang idinulot ng mga pagbaha sa Ifugao.

Batay ito sa datos ng Department of Agriculture kung saan nasa 684 magsasaka ang naapektuhan ng habang aabot sa 198 ektarya ng lupain ang lawak ng pinsala.

Katumbas ito ng 728 metric tons ng produksyon kabilang ang bigas at iba pang high-value crops.


Sa ngayon, tinitignan pa ng Agriculture Department ang halaga ng pinsala sa sector ng agri-fisheries sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units at disaster risk reduction management offices.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang pondo ang ahensya upang bigyan ng tulong ang mga magsasaka para sa pagrerehabilitate ng kanilang mga nasirang sakahan.

Facebook Comments