Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabuuang 5,922 pamilya na apektado ng pagbaha sa Northern Mindanao ang nakatanggap na ng bayad mula sa sa kanilang ahensya.
Ayon sa DSWD-Northern Mindanao, ang mga benepisyaryo na karamihan ay mga magsasaka ay lubhang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng inter-tropical convergence zone (ITZ).
Binigyan sila ng trabaho ng DSWD sa ilalim ng Cash-for-Work Program.
Bawat isa ay binayaran ng ₱5,670 para sa 14 na araw o ₱405 kada araw na sahod mula sa kabuuang pondo na ₱33,577,740.
Ginawa ito ng DSWD upang matulungan sila sa kanilang pangangailangan habang hinihintay na makabangon sa epekto ng kalamidad.
Pagtiyak pa ng DSWD Regional Office, na may kasunod pang Cash-for-Work payouts sa mga susunod na linggo para sa iba pang benepisyaryo sa Mindanao.