MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG SAN FABIAN, ARESTADO NA

Nasa kustodiya na ngayon ng kapulisan ang Number 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Fabian.
Ang akusado ay nakilalang si Dante Cajaline residente ng Ambalangan Dalin sa nasabing bayan.
Nahaharap ang akusado sa kasong panggagahasa na may petsang July 5 2023.

Dahil walang piyansa ang kaso ng akusado, hinihintay na lang ang Court Order dito para ma turn over na sa hanay ng BJMP. |ifmnews
Facebook Comments