Inanunsyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo na binuo na nila ang technical working group na siyang babalangkas ng implementing rules and regulations ng Expanded Solo Parents’ Welfare Act.
Sa ilalim ng RA No. 11861, mas maraming benepisyo ang maipagkakaloob ng gobyerno sa mga solo parents.
Sa ilalim ng expanded law, makatatanggap ang solo parent ng monthly cash subsidy ng ₱1,000 mula sa local government unit, 10% discount at exemption sa value-added tax sa pagbili ng gatas, mga food, micronutrient supplements, sanitary diapers, duly prescribed medicines, vaccines, at iba pang medical supplements.
Ito ay mula sa pagkapanganak hanggang umabot na sa 6 na taon ang kaniyang anak.
Prayoridad din ang mga solo parent sa mga low-cost housing projects sa ilalim ng National Housing Authority.
Bibigyan din ang mga ito ng mas magaan na bayarin sa pabahay.
May automatic coverage rin sa PhilHealth ang mga solo parent.
Makaka-access din ang mga solo parents sa mga scholarship programs
At prayoridad din ang mga ito sa mga mabibigyan ng oportunidad sa paghahanap ng trabaho, sa mga makakatanggap ng livelihood training at iba pa.