10 close contacts ng pasyenteng nagpositibo sa monkeypox virus, nagtapos na ng kanilang isolation ngayong araw

113

Hindi nakitaan ng anumang sintomas ang 10 naging close contacts ng unang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas.

Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Usec. Maria Rosario Vergeire, ngayong araw ang huling isolation ng 10 close contacts.

Bukas, susuriin aniya ang mga ito ng doktor para tuluyang ma-clear.


Sa ngayon, wala namang naitatala ang Department of Health (DOH) na panibagong kaso ng monkeypox virus

Facebook Comments