DSWD, sinisiguro na hindi expired ang mga donasyong natatanggap ng mga taga Marawi

Manila, Philippines – Halos isang buwan na ng pumutok ang sigalot sa Marawi City at tone-toneladang mga relief goods , gamot at food packs na ang natanggap ng mga residente.

Kasunod nito, tiniyak ni DSWD Undersecretary Hope Hervilla, na sa loob ng higit sa isang buwan na pag dating ng tulong, isa isa nilang binubusisi lahat ng donasyon.

Aniya ito ay para maiwasang makakain ng sira o expired na food packs ang mga residente.


Kasunod nito nanagawan din ang opisyal sa mga mag bibigay ng mga damit, na sana ito ay maari pang mapakinabanggan ng sa ganun hindi sayang ang panahon resources at effort para ito ay maipalada sa Marawi.

Sa ngayon libo-libong bakwit ang nanatili sa 8 evacuation areas sa Mindanao.

Samantala ,nakatanggap na rin sila ng tulong mula sa China , Amerika at iba pang bansa.

Facebook Comments