Sanggol na iniwan sa NAIA ng inang OFW , ipapa-ampon na ng DSWD

Manila, Philippines – Kinumpirma ng NAIA-DSWD na Ina-ayos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang adoption documents ng sanggol na inabandona sa NAIA ng kanyang inang OFW.

Ang tatlong buwang sanggol ay iniwan noong Nobyembre ng ina nitong OFW mula Amman,Jordan na si Vilma Lastima ng Maco, Davao.

Isang Myrna Bonaobra na sumusundo sa kaanak na pasahero ang pinag-iwanan ng sanggol at hindi na ito binalikan ng ina.


Ayon naman sa DSWD, posibleng sa pinakamalapit na kamag-anak nila ipa-ampon ang sanggol.

Una nang nagpahayag ng interes na kunin ang sanggol, ang hipag ng OFW o tiyahin ng sanggol na si Joy Detros.

Facebook Comments