DSWD, target na makumpleto ang listahan ng mahihirap na pamilya sa 2021

Sisikapin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang listahan ng poor households sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang “Listahanan 3” o ikatlong bugso ng assessment ng mahihirap na pamilya sa bansa ay inaasahang matatapos sa Disyembre lalo na at aabot sa 14 na milyong pamilya ang kanilang na-assess.

“Ang intent po namin na by next year ay talagang meron na kaming listahan. Ito po ‘yung bagong listahan na nagsasaad kung sino talaga ang i-include sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) and other programs wherein ayun na po ang magiging basis natin,” sabi ni Bautista.


Target ng DSWD na maabot ang 16 million households para sa National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Ang Listahanan o NHTS-PR ay information management system kung saan tinutukoy nito kung sino ang mga mahihirap at ina-update ito kada apat na taon.

Facebook Comments