Hindi na papalawigin pa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa distribusyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda sa NCR Plus areas.
Kumpiyansa si DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya na kayang tapusin ng mga lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda bago ang itinakdang deadline sa Mayo 15.
Sa kasalukuyan, nasa 66.87% na ang naipamigay na ayuda na katumbas ng P7.41 billion.
Umaabot sa 11,172, 988 na indibidwal ang nabigyan ng tulong pinansyal sa NCR at hindi pa kasama dito ang nabigyan sa Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan.
Sa NCR, limang lungsod ang mabilis na nakapamahagi ng ayuda na kinabibilangan ng Maynila, Quezon City, Mandaluyong City, San Juan City at Caloocan City.
Facebook Comments