Mas maraming travel bubble para maibangon ang industriya ng turismo, target ng DOT

Pinag-aaralan na ng Department of Tourism (DOT) na bumuo ng mas maraming bubble para maibangon ang industriya ng turismo sa Pilipinas sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., naging matagumpay ang tourism bubble na sinimulan sa Baguio City at karatig-probinsya.

Aniya, inihahanda na nila ang bubbles sa pagitan ng Metro Manila, Boracay at El Nido at iba pa.


Ang travel bubbles o corridors ay isang eksklusibong kasunduan ng DOT sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments