
Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na basta nagmamaneho ng tricycle ay makatatanggap ng limang libong pisong pinansyal na ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Sa press conference, sinabi ni Edwin Morata, Director of Crisis Intervention ng DSWD na hindi lang ito nakasentro sa nagmamay-ari ng tricycle.
Uinahin muna ang mga TODA members sa National Capital Region sa mabibigyan ng financial assistance.
Aabot sa 139 thousand na TODA members sa NCR ang unang makatatanggap ng limang libong pisong financial assistance.
Hindi rin ibibigay sa operator o franchise holder ang ayuda at ididirektang ibibigay sa mga individual driver beneficiaries.
Magdedepende umano ang bigayan sa master list ng mga concerned LGUs.
Payo ni Morata sa mga tricycle drivers, siguraduhing nakalista sila sa master list ng LGU.
Ang tanging requirement ay makapagpakita ng drivers license ang benepisaeyo.
Kinakailangan din na personal nilang tanggapin ang ayuda.
Sa sandali naman umanong hindi pa magtapos ang krisis sa langis, maari pa ring i-roll out ang ayuda sa buong bansa.










