Sunday, April 19, 2026

27 Filipino pilots at flight crew, kabilang sa na-stranded sa Qatar

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Qatar na kabilang ang 27 Filipino pilots at flight crew ang na-stranded sa Qatar sa gitna ng missile strikes ng Iran.

Gayunman, nakatawid na anila ito sa Qatar-Saudi Arabia border pauwi ng Pilipinas.

Tiniyak din ng Philippine Embassy na nabigyan ng hotel provision ang iba pang mga Filipino transit passengers na na-stranded sa Qatar.

Habang ang iba ay nakauwi na ng Pilipinas sakay ng magkakahiwalay na flights.

Sa kabuuan, 319 Filipinos na stranded passengers at distressed OFWs sa Qatar ang nakauwi na ng Pilipinas.

Facebook Comments