DSWD, tiniyak na mabibigyan ng tulong ang mga Filipino transferees mula Sabah, Malaysia

Pinaghahandaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaloob ng tulong sa may 5,300 Filipino transferees mula sa Sabah, Malaysia.

Ang pagpapauwi sa mga ito ay inorganisa ng Malaysian Government alinsunod sa ipinatutupad nitong Movement Control Order upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Hahati-hatiin ang mga Filipino Transferee na darating sa Mindanao upang matiyak na nasusunod ang health protocols laban sa COVID-19.


Sasailalim muna sila sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test bago payagang makasakay ng barko.

Sa tulong ng Inter-Agency Task Group Western Mindanao- Management of the Returning Filipinos, lahat ng magne-negatibo sa RT-PCR test ay papayagan agad na makapasok sa Tawi-Tawi at Zamboanga City na pangunahing drop-off points.

Facebook Comments