DSWD, tiniyak na may sapat na NFA rice para sa relief efforts

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na may sapat na National Food Authority (NFA) rice para sa mga relief effort.

Sa press briefing sa DSWD para sa paghahanda sa posibleng supertyphoon sa bansa, sinabi ni Gatchalian na nangako ang NFA na magtatagal pa ng tatlong buwan ang maibibigay na rice supply para sa mga relief efforts ng ahensya.

Sinabi pa ni Gatchalian na sa ngayon ay wala namang iniisyung certificate of non-availability ang NFA.


Nangangahulugan aniya na may sapat pang suplay ng bigas ang DSWD.

Sa ngayon aniya, patuloy na nagsusuplay para sa relief supplies ang warehouse ng NFA sa La Union at sakaling magkulang ay sasaluhin ito ng MIMAROPA region.

Giit ng kalihim, sakaling mag-isyu ang NFA ng naturang sertipikasyon, maghahanap ang DSWD ng ibang source para sa procurement ng bigas.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos mismong ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na manipis na ang suplay ng bigas sa NFA.

Facebook Comments