Mas mahusay na serbisyo medikal sa mga pulis, ipagkakaloob ng bagong renovate na PNP General Hospital

Nagpahayag ng commitment si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa mga pulis at pamilya nito na pagkalooban sila ng pinakamataas na antas ng healthcare.

Ito ang mensahe ng PNP Chief na ipinaabot ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa pagpapasinaya ng bagong-renovate na Emergency Room ng PNP General Hospital sa Camp Crame kahapon.

Sa mensahe ni Acorda sinabi nito na ang mahusay na dinisenyo at episyenteng emergency room ay makakatulong sa pagpapaangat ng kumpyansa at morale ng kanilang mga medical personnel.


Sa pamamagitan aniya ng bagong emergency room ay mas mahusay na magagampanan ng PNP medical personnel ang kanilang tungkulin bilang tagapagligtas ng buhay ng mga pulis at mamamayan.

Ani Acorda bahagi rin ito ng serbisyong nagkakaisa kung saan ang mga pulis ay hindi lamang nagsisilbi bilang law enforcers kundi maging guardians of public health.

Facebook Comments