DSWD, tiniyak na may sapat na pondo para sa ayuda ng mga apektado ng granular lockdown at sinalanta ng bagyo

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang kanilang pondo para sa ayuda ng mga apektado ng granular lockdown at mga nasalanta ng bagyo.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Glenda Relova, mayroong P1.05 billion na standby funds ang ahensya na sasapat sakaling gawing nationwide ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Aniya, mula sa nasabing pondo, P138 million dito ay nasa central office habang mayroon ding 387, 000 food packs na naka-preposition na sa Regional Offices ng DSWD.


Samantala, batay sa huling tala ng DSWD, 9 na LGU pa rin ang nag-request ng food packs para sa mga residente nilang naka-lockdown kabilang ang Pasay, Pateros, Quezon City, San Juan, Caloocan City, Makati City, Mandaluyong City, Manila City at Parañaque City.

Facebook Comments