DSWD, tiniyak na may sapat na pondo para tulungan ang Locally Stranded Individuals

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat silang pondo para tulungan ang Locally Stranded Individuals o LSIs.

Ito’y kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga hindi makauwi sa kanilang probinsya bunga ng lockdown.

Ayon sa DSWD, nakapagbigay na sila ng ₱2.19 million na halaga ng tulong sa mga LSI na binubuo ng sleeping kits, sanitary kits, at ₱2,000 cash assistance.


Nagsasagawa rin sila ng Depression Anxiety Stress Scale (DASS) bilang bahagi ng health protocols.

Naglabas din ng direktiba si DSWD Secretary Rolando Bautista sa kanilang field offices na makipagtulungan sa national government agencies para sa pagbibigay ng tulong sa mga indibidwal na apektado ng community quarantine.

Facebook Comments