DSWD ,tiniyak na may stockpiles at standby funds na mahigit P1.5-B para sa pagtugon sa maapketuhan ng Bagyong Henry

Bilang bahagi ng paghahanda ng Quick Response team ng DSWD sa epekto ng Bagyong Henry, tiniyak ni Secretary Erwin Tulfo na
may stockpiles at standby funds ang ahensya na nagkakahalaga ng mahigit P1.5-B

Mula sa naturang halaga, mahigit P600 milyon ay available na standby funds sa Central office at mga field offices.

Nasa mahigit P351 milyon ang halaga ng family foodpacks na naka-prepositioned na sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.


Habang, may mahigit P180 milyon nakalaan naman para sa ibang food items at mahigit naman P415 milyon ang nakalaan para sa mga non-food items.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga LGUs sakaling kailanganin na nila ng augmentation support.

Facebook Comments