Halos 43,000 na benepisaryong estudyante, nakatanggap ng educational assistance ngayong araw, ayon sa DSWD

207

Umabot na sa 42,322 na benepisaryo ng educational assistance ang nakatanggap ng ayuda sa nagpapatuloy na payout sa buong bansa.

Aabot naman na sa mahigit P139 milyon ang halaga ng ayuda ang naipamigay ng DSWD.

Nagtalaga ngayong araw ng 316 na payout centers ang DSWD sa buong bansa.


Target ng ahensya na mabigyan ng ayuda ang aabot sa 80,000 beneficiaries sa buong bansa ngayong araw.

Sa kabuuan, may 2 milyong benepisaryo na ang nakatanggap ng educational assistance.

Facebook Comments