Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon silang sapat na standby funds at stockpiles para tumugon sa anumang kalamidad o sakuna.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, mayroon silang standby funds na nagkakahalaga ng higit ₱545 million habang nasa 230,000 Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱220 million na available para sa distribution.
Mayroon din silang stockpile ng non-food items na nasa higit ₱380 million.
Nakahanda ang DSWD na magbigay ng tulong sa mga lokal na pamahalaan para madagdagan ang kanilang imbentaryo ng family food packs at non-food items.
Facebook Comments