Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy ang kanilang koordinasyon para sa mga naapektuhan ng 6.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, may sapat na suplay ng relief goods at standby funds ang departamento na handang magamit na resources ng local government.
Bukod dito, pinagkalooban na ng ahensya ng tulong pinansiyal na P10,000 ang pamilya ng tatlong indibidwal na nasawi sa lindol.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD para mabigyan ng assistance sa General Santos City ang nasa 360 injured individuals na naka-admit sa iba’t ibang ospital.
Sa kasalukuyan, nasa P1.43 billion halaga ng pagkain at non-food items at P29.16-million Quick Response Funds (QRF) ang pondo ng DSWD Central Office habang nasa P14.2-million naman sa field offices 10, 11 at 12.