Miss Universe 2023: Sheynnis Palacios ng Nicaragua, iuuwi ang korona

Kinoronahan bilang Miss Universe 2023 ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios.

Sa ginanap na finals night sa El Salvador, nangibabaw si Palacios mula sa 83 pang kandidato para sumunod kay R’Bonney Gabriel ng USA bilang Miss Universe.

Samantala, 1st runner-up naman si Miss Thailand Anntonia Porsild habang 2nd runner-up si Moraya Wilson ng Australia.


Ang 2023 edition ng Miss Universe pageant ay unang pagkakataon din na pinayagang sumabak ang mga nanay at may asawa na.

Mayroon ding kalahok na dalawang transgender at isang plus-sized na kandidata.

Nagtapos naman ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 10.

Facebook Comments