DSWD, tiniyak na sapat ang pondo para sa recovery programs

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat silang pondo para sa pagpapatupad ng recovery programs.

Kabilang na rito ang cash-for-work, emergency cash transfer, at emergency shelter assistance para tulungan ang mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang lahat ng kinakailangang tulong ay ibibigay nila sa mga biktima ng bagyo hanggang sila ay makabangon muli mula sa trahedya.


Maliban sa pamamahagi ng family foods packs sa mga apektadong Local Government Units (LGUs), patuloy nilang ipapatupad ang mga programa.

Kasama na rito ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para mabigay ng tulong sa mga apektadong pamilya at indibiduwal.

Nagpapatuloy ang case management at assessment para sa mga apektadong pamilya para matiyak na maibibigay ang mga kinakailangang assistance, kabilang ang livelihood grant.

Facebook Comments