DSWD, tiniyak na tuloy-tuloy pa rin ang ayuda sa biktima ng lindol sa Mindanao

Tuloy-tuloy pa rin na nakakatanggap nang tulong ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sa pinakahuling report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa mahigit tatlumpot walong milyong pisong halaga ng tulong ang naibigay sa mahigit dalawang daan anim napung libong indibidwal na apektado ng trahedya mula sa Region 11 at 12.

Kasabay nito pinasalamatan din ng DSWD ang malaking tulong ng mga pribadong grupo na nagpaabot ng kanilang tulong.


Kaugnay nito, magdadagdag ng tauhan ang DSWD Field Office 12 sa mga evacuation centers sa North Cotabato para mangalap ng impormasyon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

Facebook Comments