DSWD, tinulungan ang mga pamilyang naipit sa engkwentro ng militar at rebeldeng NPA sa Albay

Courtesy: Department of Social Welfare and Development

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may 75 pamilya ang kinakalinga ngayon ng kagawaran sa evacuation center sa Guinobatan, Albay.

Ayon kay DSWD Bicol Field Office Regional Director Norman Laurio, ang mga pamilya ay apektado ng bakbakan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Barangay Agpay ng nasabing munisipalidad.

Paliwanag pa ni Laurio na pinagkalooban na sila ng mga pagkain at non-food items para sa kanilang pangangailangan.


Dagdag pa ng opisyal na ang mga apektadong pamilya ay sasailalim din sa psychosocial debriefing ng DSWD upang matulungan sila sa kanilang traumatic experience.

Base sa ulat, nangyari ang engkwentro ng militar at NPA noong Miyerkules na tumagal ng halos isang oras na nagdulot ng takot sa mga residente.

Facebook Comments