Umaksyon na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa reklamo sa delay ng payout sa marami pang Social Amelioration Program (SAP) beneficiaries sa Quezon City.
Paliwanag ng DSWD, isa raw sa mga dahilan ay dahil sa kakulangan ng impormasyon lalo na ang contact numbers ng mga beneficiaries.
Ang bagong payment facility na iminungkahi ng DSWD ay magpapabilis sa proseso ng payout dahil nagbibigay rin ito ng manual payout delivery services sa mga beneficiaries na walang contact numbers para sa wire transfers.
Sa ngayon, pinaplantsa na ito para masimulan sa Oktubre.
Base naman sa datos ng Social Services Development Department ng Quezon City, sa kabuuang 337,584 SAP recipients sa lungsod, 151,192 pa lamang ang nakatanggap ng ikalawang financial assistance na ₱8,000 mula sa national government.
Tulad din ng 217,386 waitlisted residents na umapela para mabigyan ng cash aid, 203,896 pa lang ang nakakuha ng ayuda.