DSWD Transition Handbook, nakahanda na para sa paglilipat ng trabaho sa incoming administration

Nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang transition handbook para sa paglilipat ng trabaho sa sunod na kalihim.

Layon nito na maipagpatuloy ang “maagap at mapagkalingang serbisyo” ng ahensya.

Ang transition handbook ay bunga ng limang araw na intensive workshop, na naglalaman ng comprehensive overview, discussion sa milestone accomplishments ng DSWD.


Nakapaloob din dito ang mga relevant information sa mga pangunahing gawain at responsibilidad ng ahensya.

Gayundin ang mga inisyatiba at mga programang inirerekomendang maipagpatuloy sa ilalim ng incoming administration.

Facebook Comments