DSWD, tuloy ang pamamahagi ng COVID-19 emergency subsidies kahit Semana Santa

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program kahit panahon na ng Semana Santa.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, target ng ahensya na makumpleto ang paghahatid ng COVID-19 subsidies sa araw ng Sabado at Linggo.

Sinabi ni Dumlao na hindi sila titigil hangga’t hindi nahahatiran ng ayuda ang ang mga higit na mahihirap na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Naglaan ang DSWD ng ₱200 billion para sa emergency fund sa ilalim ng SAP at pinasimulan nang ibinigay ito noong April 3.

Ani Dumlao, abot na sa ₱16 billion ng emergency subsidies ang naipamahagi na sa mga target beneficiaries.

Karamihan sa mga benepisaryo ay kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments