Mga pulis na nagpopositibo sa COVID-19, dumarami!

Umabot na sa 25 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac at batay sa report ng PNP Health Service araw-araw ay may nadadagdag na bilang ng positibo sa virus.

Ngayong araw, panibagong tatlong pulis ang positive sa COVID-19.


Ang mga ito may mga edad 26 anyos, 28 anyos at isang 38 anyos na mga nakatalaga sa CALABARZON region.

Batay pa sa ulat ng PNP Health Service, mayroon ng 59 PNP personnel ang kasama sa probable persons under investigation (PUIs) habang 217 PNP personnel naman ang suspected PUIs.

Kabuuan 1,351 PNP personnel ang kabilang sa possible case of persons under monitoring (PUMs).

Facebook Comments