Tuloy-tuloy ang paghahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food pack (FFPs) at mga non-food item sa mga komunidad na binaha sa Banaue, Ifugao dahil sa epekto ng southwest monsoon.
Ayon kay DSWD Field Office Cordillera Administrative Region (CAR) Regional Director Arnel Garcia, nakapagmapahagi na ang kanilang field office ng 1,500 FFPs na nagkakahalaga ng ₱339,375 sa mga apektadong pamilya at mga internally displaced person sa Barangay Amganad, Poblacion, Tam-an, Viewpoint, Bocos, at Poitan sa Banaue kung saan 500 families o katumbas ng 1,500 indibidwal ang apektado.
Pinatitiyak ni Secretary Erwin Tulfo sa field office na tuloy-tuloy ang prepositioning ng FFPs at iba pa para madaling ipadala ang mga relief item sa mga apektadong pamilya.
Sa ngayon, naka-preposition naman ang 1,300 FFPs sa mga satellite warehouse sa Provincial Action Center sa Ifugao para masigurong may sapat na relief items sa mga apektadong Local Government Unit (LGU).
Nakaalerto na rin ang Crisis Intervention Section ng field office para pagkalooban ng assistance ang mga may mga nasirang kabahayan.
Magsasagawa rin ang social workers ng Psychosocial First Aid sa mga biktima ng pagbaha sa lugar.