DSWD, TUTUTUKAN ANG USAPING MALNUTRISYON NGAYONG TAON

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbibigay pansin ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) sa krisis tungkol sa nutrisyon sa Lambak ng Cagayan.

Sa inilabas na datos ng ahesya, mahigit walumpu’t siyam (89) na libong mga bata mula sa mga lokal na pamahalaan at Child Development Centers (CDCs) ang naging benepisyaro ng Supplementary Feeding Program (SFP) noong nakaraang taon.

Ayon kay DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan, ang nasabing bilang ay indikasyon na maraming bata ang kanilang napagsilbihan at sapat na upang ipagpatuloy ng ahensya ang kanilang kampanya laban sa malnutrisyon.


Dagdag pa nito na tutukan nila ang implementasyon ng SFP ngayong taong 2025 upang sa gayon mas marami pang bata ang kanilang matulungan.

Ang Supplementary Feeding Program ay kontribusyon ng ahensya sa programa ng pamahalaan na Early Childhood Care and Development (ECCD).

Facebook Comments