DSWD, umaasang matatapos ang distribusyon ng 2nd tranche ng SAP ngayong buwan

Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang distribusyon ng ikalawang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong buwan.

Ngayong lingo inaasahang uumpisahan ang pamamahagi ng second tranche ng SAP.

Sa ilalim ng programa, magbibigay ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na cash assistance sa targeted low-income families, depende sa umiiral na minimum wage rates.


Ang mga makakatanggap ng second tranche ay ang: Central Luzon; Aurora Province; National Capital Region; CALABARZON; Benguet Province; Pangasinan Province; Cebu City; Bacolod City; at Davao City, maging ang Albay Province at Zamboanga City.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, mahalagang matapos ngayong buwan ang pamamahagi ng emergency subsidy para magamit na ito ng mga benepisyaryo.

Pero sinabi ni Bautista na may ilang Local Government Units (LGU) ang hindi pa nakakapagpasa ng kanilang certified list ng mga qualified beneficiaries.

Kailangan ding maisumite ng mga LGU sa lalong madaling panahon ang liquidation reports.

Ipaprayoridad sa second tranche ang limang milyong “left-out” o “waitlisted” beneficiaries.

Sa datos ng DSWD, nasa ₱99.7 billion ang ipinamahagi sa 17.6 million mula sa 18 million low-income beneficiaries.

Facebook Comments