DTI Aklan, mino-monitor na ang presyo ng mga school supplies

Aklan, Philippines – Todo bantay na ngayon ang Department of Trade and Industry-Aklan sa pag-monitor ng mga bilihin partikular sa school supplies ng mga estudyante.

Ayon kay OIC DTI-Aklan Ma. Carmen Iturralde, nagsisimula na ang kanilang monitoring sa mga nagbebenta ng school supplies sa probinsya subalit hindi pa niya alam kung may mga pagbaba o pagtaas sa presyo.

Nakapaloob sa kanilang website na www.dti.gov.ph. ang presyo ng mga bilihin.


Sinabi pa ni Iturralde na hindi lang Suggested Retail Price ang tingnan kundi pati na ang quality nito kagaya nalang nang sa pad, sa notebook, tingnan ang number of pages, labeling, name ng manufacturer at brand nito.

Tingnan din umano ang mga bibilhan na gamit kung may pangalang “nontoxic”.

Kaugnay nito, may mga isinagwa na rin silang “balik eskwela diskwentro sale” sa mga piling lugar.

DZXL558

Facebook Comments