Mga obispo, nagsagawa ng misa para kay Father Chito na dinukot ng Maute Group

Pagadian, Philippines – Isang misa ang isinagawa ng Diocese of Pagadian kahapon bilang panalangin sa kaligtasan ni Father Teresito “ Chito” Suganob at sa mga kasamahan nito na dinukot ng Maute Terror Group sa lungsod ng marawi.

Sa interview ng RMN Pagadian kay Marawi Bishop Edwin Dela Pena, sinabi hindi na nila nakausap pa o nakontak man lang sa cellphone si Father Chito kaya’t nag-aalala na rin sila sa sitwasyon nito sa ngayon.

Kasabay nito, umapela ng panalangin ang obispo upang ligtas na mapalaya ang pari.


Samantala, umaasa ang obispo na makakaligtas sa mga kamay ng Maute Group ang kanyang mga tao lalo na sa pagdeklara ng martial law.
DZXL558

Facebook Comments