Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtaas ng presyo ang ilang basic goods.
Ilan sa mga produktong ito ay ang Pinoy tasty, pandesal, sardinas, canned meat, gatas, kape, instant noodles, sabong panligo at panlaba, bottled water, kandila, battery, asin.
Ayon sa DTI, hanggang 6% ang pinayagang nitong dagdag-presyo.
Sa kabuuan ay nasa 73 sa 216 shelf-keeping units o produktong binabantayan ng gobyerno ang pinayagang magtaas-presyo.
Samantala, sinabi naman ng mga supermarket owner na kahit may ilang produktong nagtaas-presyo ay may pagpipilian pa rin naman ang mga mamimili dahil marami pang brand ang nananatiling mura.
Facebook Comments