30 pang indibidwal, ipapatawag ng NBI kaugnay ng BDO hacking probe

Tinatayang 30 pang indibidwal ang ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) para pagpaliwanagin sa nangyaring hacking sa ilang BDO Unibank accounts.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor, na-identify nila ang nasabing mga indibdiwal sa kanilang inbestigasyon.

Nauna nang sinabi ng BDO na magre-reimburse ito sa humigit-kumulang 700 customer matapos matuklasan ang mga hindi awtorisadong withdrawal sa ilalim ng tinatawag na Mark Nagoyo scam.


Habang kinasuhan na rin sa korte ang limang suspek na miyembro ng Mark Nagoyo scam.

Facebook Comments