DTI-ARMM BOOTH, 3RD TOP SELLER at 3RD BEST BOOTH DESIGN sa kauna-unahang BIMP-EAGA BUDAYAW FESTIVAL!

Itinahanghal bilang 3rd Top Seller ang Department of Trade & Industry-ARMM booth sa katatapos at kauna-unahang BIMP-EAGA Budayaw Travel and Trade Expo na ginanap sa Gaisano Mall, General Santos City noong September 20-24, 2017 kung saan nakalikom ito ng kabuuang halaga na P 94,560.00.
Ipinakita at bumenta sa naturang travel and trade expo ang mga katutubong sining na likha Micro, Small and Medium Enterprises na sumasalamin sa kultura ng 5 lalawigan sa ARMM.
Kabilang sa mga pinaka-mabili na produkto ang Yakan Table Runners ng Basilan, ang Tugaya Novelty Items ng Lanao del Sur, Inaul ng Maguindanao at UpiNito Products.
Sa kauna-unahang Budayaw Festival ng BIMP-EAGA ay itinampok ang contemporary artists at cultural masters mula sa 4 na bansa, Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia at Pilipinas, dinagsa ito ng abot sa 7, 000 manunuod, 35 exhibitors din ang lumahok sa naturang Travel and Trade Expo.
Ito ay inorganisa ng National Commission for Culture and Arts sa pakikipagtulugan ng Mindanao State University ng General Santos City, MINDA, Department of Tourism Region Region XII at mga LGU sa General Santos City, Sarangani at ARMM. (photo from dti-armm)

Facebook Comments