Cauayan City, Isabela- Lumagda sa Memorandum of Agreement ang Department of Trade and Industry (DTI) at Local Government Unit (LGU) ng Maddela para sa pagtatatag ng isang Product Labeling Services Center Project sa nasabing bayan.
Sa isang pahayag, binigyang diin ng ahensya na layunin ng proyekto na magbigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng produkto sa mga terms of aesthetics tungo sa pagbuo ng mga higit na makikilala.
Ayon kay Maddela Economic Enterprise Officer George Colebra, ang DTI ay magbibigay ng isang high-tech printing machine at ito ay makikita sa Economic Enterprise Office ng bayan.
Dagdag dito, sinabi pa ni Colebra na mangongolekta sila ng printing fees para sa mga materials na gagamitin para sa pagpapanatili ng kaayusan ng gagamiting makina.
Ang nasabing proyekto ay ang ikalima mula sa sa anim na proyekto ng SSF na naitatag sa lalawigan para sa taong 2021.