DTI, binalaan ang publiko tungkol misleading advertisement

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na mag-ingat sa misleading advertisements mula sa mga mapagsamantalang negosyante.

Paalala ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, laging i-double check ang mga binibiling kagamitan sa online man o sa mismong establisyimento.

Ayon pa sa ahensya, laging tingnan ang label, reviews at presyo ng produktong bibilihin at agad na isumbong sa kanila kung sakaling magkaroon ng problema sa mismong produkto at nagtitinda.


Facebook Comments