DTI, binatikos sa balak na pagtanggal sa Suggested Retail Price sa mga bilihin

Manila, Philippines – Tinuligsa ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na alisin ang Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.

Giit ni Evardone, anti-poor at anti-people ang balak ng DTI.

Ang pagtanggal ng SRP ay magbibigay ng pagkakataon sa mga negosyante na tumaas ang kita pero ang publiko naman naman ang sasalo sa dagdag na presyo ng bilihin.


Mawawalan aniya ng kontrol sa presyo ng mga produkto sa oras na tanggalin ang suggested retail price at maaaring maabuso ang mga consumers.

Babala ni Evardone, dapat na irekunsidera ng DTI ang pagalis sa SRP dahil kung hindi ay haharapin ng ahensya ang galit ng taumbayan.

Hindi aniya ito magsusulong ng kompetisyon sa mga negosyo sa halip ay magiging daan pa ito para magkaroon ng pagkakataon ang mga negosyante na samantalahin ang pagdoble sa presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments