Ang mga naturang aktibidad ay pinangunahan ng DTI Isabela katuwang ang mga Local Government Units at mga private institutions.
Nasa mahigit 700 timbangan ang ininspeksyon ng pinagsamang inspectorate team ng LGU at DTI sa isinagawang Operation Timbangan sa buong lalawigan ng Isabela habang ang mga nakitang may daya ay ipinasakamay sa LGU para sa calibration.
Nagkaroon din ng pagkakabit ng mga banners sa mga munisipyo at pampublikong pamilihan bilang pagsuporta sa 2022 Consumer Welfare Month.
Para naman gawing pormal at paigtingin ang kooperasyon sa pagsulong ng consumer awareness and protection ay nagkaroon ng paglagda ng MOA sa pagitan ng DTI Isabela at Xentro Mall Ilagan, Ilagan City Mall, Xentro Mall Roxas, Xentro Mall Tumauini, and Northstar Mall.
Nakasaad sa MOA ang mga gagawing pakikipagtulungan ng DTI at ng mga nasabing enterprises sa pag lalagay ng consumer welfare desks, information corners at pagsasagawa ng customer and employee relations training activities na naglalayong itaguyod ang karapatan ng mga mamimili.
Nakatakda pang magsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang DTI Isabela para sa isang buwan na selebrasyon katulad ng enforcement of fair trade laws, consumer and business education campaigns, a consumer quiz show, infomercial-making competition, at ang pinaka-aabangang Isabela Consumer Convergence.