CARETAKER, NATAGPUANG PATAY SA ISABELA

33
Natagpuang patay ang isang caretaker sa loob ng kanyang tinutuluyang barracks bandang alas 8:30 ng umaga sa Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela kahapon Oktubre 3, 2022.

Kinilala biktima na si Jenifer Alfuerte, nasa hustong gulang at residente ng Dumaguete City na nasa humigit kumulang labing-limang taon (15) na nagtatrabaho bilang katiwala sa isang warehouse.

Sa imbestigasyon ng PNP Aurora, nakatanggap sila ng ulat na natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa kanyang barracks kaya’t agad nila itong nirespondehan.

Lumalabas na nagpunta sa warehouse ang dalawang trabahador para magbilad ngunit habang kumakatok sa warehouse ay hindi agad sila napagbuksan kung kaya’t nagdesisyon na akyatin ang warehouse at tumambad sa kanila ang wala ng buhay na caretaker sa loob ng barracks.

Base sa isinagawang ocular inspection ng mga pulis sa lugar ay wala naman silang nakitang senyales ng kaguluhan ngunit narekober nila ang iba’t ibang gamot na reseta ng doktor sa biktima.

Dinala ang bangkay ng biktima sa punerarya at isinailalim sa post mortem examination at kalauna’y lumabas na stroke ang dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments