Titignan pa ng Department of Trade and Industry (DTI) kung maglalabas o hindi ng balik-eskwela bulletin, para sa suggested retail price ng mga school supplies sa harap ng nalalapit na pagbubukas ng SY 2022-2023.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castello na noong nakalipas na taon, naglalabas ng balik-eskwelahan bulletin ang DTI bilang paghahanda sa pasukan.
Pero, nilinaw ng kalihim na hindi ito mandatory, lalo’t hindi naman maituturing na basic at prime commodities ang mga school supplies, kaya’t hindi nila niri-regulate ang presyo ng mga ito.
Dagdag pa ng opisyal na hindi maiiwasan ang paggalaw ng presyo ng school supplies sa kasalukuyan, lalo’t gumagalaw rin ang presyo ng krudo sa buong mundo, na nakakaapekto aniya sa logistics ng mga supplier o manufacturers ng mga school supply.