Umapela ang Department of Trade Industry (DTI) na dapat gawing prayoridad ng mga supermarket, groceries, botika at iba pang mga establisyimento sa bansa na pinayagang mag-operate sa gitna ng Luzon-wide quarantine ang mga customer na senior citizen.
Sa memorandum circular ng DTI, dapat agad na payagang makapasok ang mga may edad 60 pataas at maasistihan sila kapag walang kasama kung saan mauna sila sa ibang mamimili lalo’t higit nilang kailangan ang mga basic commodities at gamot.
Hinihikayat din ng DTI ang mga establisyimento na magkaroon ng “Seniors Only” shopping hour bagama’t maaari pa din silang makabili kahit pa wala sa itinakdang oras.
Hinihimok din nila ang iba pang establisyimento na magkaroon ng express lane para sa mga matatandang kostumer na bumibili ng 25 na items o mas mababa.
Dapat ding nasa ingles at tagalog ang mga notices na ito para sa privilege at assistance para sa mga senior citizens.
Nabatid na pirmado ni Trade Secretary Ramon Lopez ang sirkular at agad itong magkakaroon ng epekto kung saan binabalaan naman ng DTI ang mga lalabag sa probisyon alinsunod sa Senior Citizens Act.