DTI, iimbestigahan ang #ShopeeScam; BLACKPINK meet-and-greet

Image via Shopee

Iniimbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nangyaring ‘scam’ sa promo ng Shopee na meet-and-greet ng BLACKPINK sa SM Samsung Hall sa Taguig.

Una nang humingi ng paumanhin ang Shopee sa ‘anumalya’ at sinabing aayusin ang nangyari.

Maraming nadismayang fans sa hindi makatarungan na pagbili ng BLACKPINK items sa online retail na ang ilan ay umabot sa P200,000.


Sa isang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na kailangan maprotektahan ang mga consumer na lumahok sa promo at kailangan maimbestigahan kung saan nagkamali.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Lopez na kung mapapatunayan na lumabag ang kumpanya ay magbabayad sila ng P300,000 bilang penalty.

Dagdag niya na maghain ng reklamo ang mga fans na naapektuhan ng insidente sa consumer protection desk.

Facebook Comments