Dipolog, Philippines – Nagtagpo kamakailan ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang ilang mga concerned agencies at mga coconut industry players sa buong rehiyon 9 para sa focus group discussions.
Inihayag ni DTI-Zamboanga Del Norte OIC-Provincial Director Maridel Dengal na ang nasabing meeting ay tumatalakay hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng coconut industry sa rehiyon, ang sitwasyon ng mga coconut farmers at ang tamang interventions na maibigay ng gobyerno sa kanila.
Napag-alaman, na ang mga bagong coconut products mula sa rehiyon 9 ay ini-export kagaya ng uling at RBD coconut oil pero bumaba ang volume exports nito dahil sa pagbaba rin sa produksyon.
Nagpa-plano ngayon ang mga coconut players sa rehiyon na ang region 9 ay magiging isa sa mga supplier nito sa ibang mga lugar.
Ang Land Bank of the Philippines Dipolog branch ay nag-presenta naman ng kanilang credit facilities at loans na pwedeng ma-avail ng mga coconut farmers.
Nation”